Wednesday, August 24, 2011

PAMULAAN SONG

 PAMULAAN
lyrics by: Dominique Lojyn Makilan Ofong
tune by: Arjel Boro Ofong and
           Richelle Villapando Tupaz
critique by: Ronalyn Rico Floro
inspired by: Pamulaan center
msg: we dedicate this song to Pamulaan Center for IP Education for letting us realize the significance of being an IP youth of today and for the greater callings that awaits ahead...
 I
Mga katutubong kabataan
May mga pangarap nais mapakinggan
Mga sigaw at hinaing Mula sa lupang hinabilin
Mananatili sa aming damdamin
II
Ibat-ibang tribong pinanggalingan
Ibat-ibang kulturang kinagisnan
ibat-ibang paniniwala at karanasan
Tanging hangad ay kapayapaan

Cho.
Oh, Pamulaan oh, pamulaan  minulat mo yaring isipan
Ginising yaring pusong tigang
Nakita mo aking pangangailangan
Pag-asa na iyong ipinatanaw amin panghahawakan
III
Isang misyong ipinaglalaban
Pagpapahalaga sa kalikasan
Mga likas nating yaman
Atin laging pangangalagaan

Repeat Chorus
oh, Pamulaan 2x muli mong sinagip aming buhay
oh, Pamulaan 2x ikay biyayang aming tinataglay
oh, Pamulaan 2x ikay liwanag sa pamayanan
oh, Pamulaan 2x pag-asa ngayo'y katutubong kabataan


No comments:

Post a Comment